TRANCHE 25

TRANCHE 25

 
true friends are hard to find, and if you find them, don't let go of them unless they let go of you.
 
hmm.. napakasakit naman kung isang araw eh malalaman mo na wala na pala ang mag kaibigan mo na talaga namang minahal mo, diba? napaka swerte ko dahil sa dami ng mga kilala ko, lahat sila ay nakakausap ko pa rin at pag may oras, lumalabas kami para makapag kwentuhan at minsan pumunta sa mga lugar na hindi pa namin nararating. pero minsan masasabi natin na ang iba ay nine day's friendship lang.
 
minsan, naiisip ko na wala akong kadala-dala. hindi ko rin naiisip na pag sobra na pala ay lubhang masama. kung ang buhay lang ay pwedeng mag botohan parang sa pinoy big brother, siguro ang 2 puntos ay para sa isang tao na hindi ko pala kayang sabihin na totoong kaibigan. masakit malaman na yung taong hindi mo inisip na gagawa ng masama sa iyo ay siya pa lang gagawa nito.
 
natatawa na lang ako ngayon pag naaalala ko ang mga pinagsasabi niya sa isa kong kaibigan. pambihira, pag katapos mong tulungan dahil gusto niyang mag bago, ikaw pa pala ang masama. nakaka aliw din siya dahil hindi man lang siya nakakuha ng anu mang reaksiyon mula sa akin. nagpapasalamat ako dahil talagang mabait sa akin ang 'kaibigan' ko at sinabi sa akin ang mga sinabi ng taong tinuring ko na kaibigan. haaay, kawawa naman siya dahil hindi lahat ng tao ay kayang gawin ang mga nagawa ko. pero hindi ko siya susumbatan dahil tulong ang ginawa ko.
 
sa mga taong may pinag samahan kami ng higit pa sa turingan ng isang mag kaibigan, salamat dahil kahit hindi naging matagumpay ang kung anu mang relasyon natin nuon--naging mag kaibigan pa rin tayo sa huli. nakakatuwang isipin na napanatili natin ang friendship. siguro dahil sa isang ugali na pareho natin taglay. ang respeto na meron tayo para sa isa't-isa ay siyang dahilan upang hindi tayo maging bitter. tama nga ang kasabihan na ang respeto ay nakukuha dahil na rin sa ugali ng isang tao.
 
kung may isang tao man ngayon na walang respeto, naaawa lang ako sa kanya dahil baka dumating ang oras na hindi na niya alam ang salitang pakikisama at kaibigan.
 
after this, what keeps me inspired then?
 
simple lang, ang mga makukulit ko na mga kaibigan. sila mike, dion at ays. miss ko na nga ang mga luko-luko. i have coined them boy bastos/hingi, boy daot at boy suicidal! hehe :) happy 3rd month anniversary sa ating 4!!

 
Elevator Shot
 
Lunch Break
Mc Do for Breakfast
 
Before going home
 
more pics please go here.



2 comments:

  1. Anonymous5/07/2008

    u don't deserve people like that.

    ReplyDelete
  2. Anonymous5/21/2008

    you are pretty!

    ReplyDelete